Provide top-notch talent wherever and whenever needed
Discover Cornerstone

ZEPHANIE, PINURI NI LEA SALONGA SA PAGKAPANALO SA IDOL PHILIPPINES

August 02, 2019

Nitong nakaraang Linggo, July 28, pinangalanan na ang kauna-unahang Idol Philippines na si Zephanie Dimaranan. Sa kanyang pagkapanalo, marami ang natuwa at looking forward na makatrabaho siya.

 

Isa na dito ang Broadway Diva at coach ng bagong season ng The Voice Kids na si Lea Salonga. Sa isang interview, sinabi niya na masaya siya sa pagkapanalo ni Zephanie.


 

"I'm very happy for Zeph, we first met Zeph in The Voice Kids and her ending on the show was dramatic, but despite that ending, she was herald in as the first winner of Idol Philippines" ani ni Lea.

 

Dagdag pa niya, "She's grown up beautiful and her voice is still clean and crystal clear so she has a very bright future and now that she won, I'm hoping for the best."



 

Matatandaan na The Voice Kids Season 2 ang unang singing contest na sinalihan ni Zephanie sa TV kung saan naging judge si Lea Salonga. Umabot siya hanggang sa Semi-finals kasama ang ngayon ay member na ng The Gold Squad na si Kyle Echarri. Bigo man parehas na makapasok sa Grand Finals, parehas naman ngayon silang masaya sa naging takbo ng kanilang mga karera.



 

Mapapanuod na ang The Voice Kids Season 4 ngayong August 3 sa ABS-CBN.