Provide top-notch talent wherever and whenever needed
Discover Cornerstone

ZEPHANIE AND SARAH G., EMOSYONAL SA MULING PAGSASAMA SA MAGANDANG BUHAY

October 22, 2019

QUEZON CITY - Naging emosyonal sina Idol Philippines Grand winner Zephanie Dimaranan at Pop Star Royalty Sarah Geronimo sa kanilang muling pagsasama sa isang episode ng Magandang Buhay na pinalabas noong October 22.

Naging inspirasyon ni Zephanie at Sarah ang isa't- isa sa kanilang journey sa nakalipas na apat na taon kaya naman puno nang damdamin ang muli nilang pagkikita.

Inalala nina Zephanie at Sarah ang kanilang "unforgettable moments" sa The Voice Kids noong 2015, kung saan naging coach niya ang kaniyang idolong si Sarah.

"Napakalinis, bright, nakaangat 'yung boses, pure at may kinang" ,paliwanag ni Sarah kung bakit siya napaikot nang kumanta si Zephanie.


Kapansin-pansin din ang pagsaludo ni Sarah sa talento ni Zephanie. "Super proud as in super proud kasi 'yang ganyang klaseng talent kahit anong mangyari, manalo, matalo talagang lalabas. Aangat at aangat pa rin 'yung talento tsaka perfect testimony s'ya na talagang "In God's perfect time", dagdag pa niya.

"Iidolohin po talaga nang mga gustong marating or ma-achieve yung mga na-achieve ni Ate Sarah. Parang mai-isip mo na gusto ko pong maging siya someday", pahayag ni Zephanie na siya namang ikinatuwa ni Sarah.


Naluluhang nagbalik-tanaw din si Zephanie sa mga advice ni Sarah noong mga panahong pinanghihinaan siya nang loob. Malaki ang naging parte nang mga payong ito upang maipagpatuloy niya ang kaniyang laban.

"Kung hindi niyo time ngayon,' wag kayo agad susuko. Mag-wait ka lang sa tamang panahon na para sayo. Kasi bata palang daw po kami n'un tapos marami pa kaming maeexperience. 'Wag kaming susuko. Gawin yung best namin at hintayin ang tamang time na ibibigay samin ni Lord."

Hindi pa rin makapaniwala si Zephanie na magiging guest niya ang kanyang idolo sa kanyang upcoming concert. Mababakas sa kaniyang mukha ang excitement at happiness. Personal itong nagbigay ng pasasalamat kay Sarah pati na rin sa lahat ng mga tumutulong sa upang maging successful ang kanyang first major solo concert.

Lubos puso ring nagpasalamat si Sarah kay Zephanie dahil naging inspirasyon at reminder niya ito kung paano siya naghintay sa tamang panahon.

"Maraming maraming salamat sa inspirasyon. Nakuha mo na 'yung pangarap mo. Hawakan mo pero huwag masyasong mahigpit. Kailangan balanse. Balanse ang oras mo para sa pamilya mo. At the end of it all, ang sarili mo dapat mahal mo, kaya unahin mo rin yan," madamdaming advice ni Sarah kay Zephanie.



"Sobra akong proud ako para sa iyo Zephanie. Saka hindi ka mahihirapan na maging proud sa kaniya kasi kitang kita ang husay niya, hindi ba? Yung humility ng batang ito, so tuloy-tuloy lang Zeph", dagdag pa nito.

Natapos ang kanilang interview sa isang pa-sample na duet ng "Forever's Not Enough" na orihinal na kanta ni Sarah at siya din namang ginamit na audition piece ni Zephanie sa Idol Philippines.

Kaya naman sa lahat ng nabitin sa performance na ito, make yourself ready sa November 28 dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon ng concert si Zephanie. Bukod kay Sarah Geronimo, makakasama niya ang ilan sa mga bigating stars ang ABS-CBN gaya nina Erik Santos, Moira dela Torre, Elha Nympha, Janine Berdin, Idol Philippines Top 4 at Asia's Songbird Regine Velasquez - Alcasid.

Kasabay nito, sama-sama rin nating suportahan ang upcoming film ni Sarah Geronimo na Unforgettable na ipapalabas na sa mga sinehan ngayong October 23.