Provide top-notch talent wherever and whenever needed
Discover Cornerstone

THREE GENERATION OF DIVAS: ZEPHANIE, SARAH G. AND REGINE VELASQUEZ

October 30, 2019

QUEZON CITY - Phenomenal ang nalalapit na concert ng first ever Idol Philippines Grand Winner na si Zephanie dahil makakasama niya sa iisang entablado ang kanyang mga idolo na sina Asia's Songbird Regine Velasquez- Alcasid at Pop Star Royalty Sarah Geronimo.

"Hindi po ako makapaniwala na mag-yes po sila agad and sobrang siguro nga na totoo po na proud po sila. Ayoko ko pong biguin 'yun, kaya ibibigay ko po talaga ang pinaka-best ko sa concert ko kasama sila", excited na pahayag ni Zephanie in a recent press conference.


Hindi maitatangging malaki ang naging papel ni Asia's Songbird sa journey ni Sarah G. noong nagsisimula pa lamang siyang i-build ang career niya. "Sobra po akong maswerte na mayroon akong Ms. Regine Velasquez na isa din sa mentor ko. Since day one grabe yung pag-suporta na binigay niya po sakin. Pupuntahan niya ko sa recording ko, uupuan niya 'yun at siya magbabantay, tapos lalagyan niya pa nang backup vocals. Napaka-generous na tao", dagdag pa ni Sarah G. sa kanyang Magandang Buhay interview.


Mula sa kanyang mga natutunan, ginamit naman itong foundation ng Popstar Royalty to influence Zephanie sa laban niya sa The Voice Kids noong 2015. Isinapuso ni Zephanie ang lahat ng mga advice ng idolo sa pag-pursue ng mga pangarap niya kasabay ang muli niyang pagsali sa isang singing contest from Tawag ng Tanghalan at hanggang maipanalo niya ang  Idol Philippines last August.

Matatandaan din na naging part ng kanyang Idol journey ni Zephanie si Regine Velasquez na naging judge nang nasabing contest. At sa kanyang katatapos  lang na Iconic Concert kasama si Sharon Cuneta, nagperform din si Zephanie kasama si Jeremy Glinoga from The Voice Teens.


"Kung hindi niyo time ngayon,' wag kayo agad susuko. Mag-wait ka lang sa tamang panahon na para sayo. Kasi bata palang daw po kami n'un tapos marami pa kaming maeexperience. 'Wag kaming susuko. Gawin yung best namin at hintayin ang tamang time na ibibigay samin ni Lord", dagdag pa ni Zephanie.

Now, with these three generation of Divas with three exceptional voices, siguradong uulan nang inspirasyon at pangarap sa New Frontier Theater sa November 28 . We're talking about three major dream-makers and motivators sa history of music industry, this is definitely not to be missed.