Provide top-notch talent wherever and whenever needed
Discover Cornerstone

'SOBRANG KINILIG KAMI' - MOIRA AND JASON AFTER SEEING HELLO, LOVE, GOODBYE!

August 13, 2019

Sa presscon ng kanyang first-ever Araneta concert, sinagot ni Moira ang mga tanong ng press kung ano nga ba ang naging reaksyon nilang mag-asawa ng mapanuod ang ngayon ay blockbuster movie na Hello, Love, Goodbye na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, sa direksyon ni Cathy Garcia- Molina. Napiling official soundtrack ng pelikulang ito ang, Ikaw at Ako na kinanta nila as their vows noong wedding nila.

"Sobrang kinilig kami, lalo na noong narinig ni Jason yung boses niya", ani ni Moira.


Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon si Jason Marvin ng movie soundtrack, kaya naman abot langit ang ngiti nito habang tinatanong ng press.

"We are receiving good feedbacks na po before, pero 'di pa namin siya napapanuod kaya pagkadating agad namin from L.A., nanuod agad kami", dagdag pa ni Jason.

Pinakilala din ni Moira ang mga special guests na makakasama niya sa kanyang upcoming concert, kabilang dito ang kanyang asawa, Jason Marvin, December Avenue, I Belong To The Zoo, Top 5 Idol Philippines at Ben and Ben. Nilinaw niya din na magkakaroon ulit ng spoken poetry katulad ng nauna niyang concert na Tagpuan, pero ang mga gagawa nito ay ang mga taong hinahangaan niyang lubos.

Pinarinig din for the first time ang isang komposisyon ni Jason Marvin, EDSA o Emosyong Dinaan Sa Awit.

Kabilang ito sa kanyang upcoming album na irerelease ngayong taon.