Provide top-notch talent wherever and whenever needed
Discover Cornerstone

SNL' s Ultimate Vocal Showdown, ibinirit ang mga kanta ni Sarah G

December 02, 2020

Matapos iupload ang makapigil-hininga nilang prod number sa Brightlight Youtube Channel, mas lalong umingay at pinag-uusapan ang Ultimate Vocal Showdown sa Sunday Noontime Live noong Linggo, November 29.


Kinanta nina Niel Murillo, Fana, Sassa Dagdag, Sam Mangubat at Zephanie ang mga kanta ni Popstar Royalty Sarah Geronimo. Kanya-kanya silang version na lalong nagpasiklab sa mga viewers ng nasabing show.

Ibinida ni Niel ang malamig niyang boses sa pagkanta ng “Paano Ba Ang Magmahal” at hindi naman nagpahuli si Fana nang bigyan ng kakaibang atake ang “Kilometro”. Inilevel-up naman ni Sassa ang kantang “Ikot-ikot” at ibinuhos naman ni Sam Mangubat ang emosyon sa pagkanta niya ng “Isa Pang Araw”.

Inabangan at talagang pinalakapakan naman ang husay ni Zephanie matapos nitong bigyan ng kakaibang interpretasyon ang kantang, “Tala”.

Sa tuwing tatapak sa SNL stage ang limang ito ay inaabangan na ng mga taga-subaybay at trending pa online dahil linggo-linggo ay bago at pasabog ang mga performances nila.

Isa ang Ultimate Vocal Showdown sa mga segment ng Sunday Noontime Live na mapapanuod tuwing Linggo, 12 PM sa TV 5.