Provide top-notch talent wherever and whenever needed
Discover Cornerstone

SINO SI BART SA BUHAY NIYA? - 5 THINGS YOU SHOULD KNOW ABOUT INIGO PASCUAL

May 30, 2019

Bukod sa success ng kanyang first international collab at latest single na "Mr. Nice Guy" kasama si Wengie, feeling thankful si Inigo Pascual sa lahat ng sumusuporta sa kanya.

 

Pero anu-ano pa ba ang hindi alam ng kanyang mga fans tungkol sa kanya. Here is the 5 Things You should know about Inigo Pascual:

 

1. Hindi magulang ni Inigo ang nagbigay ng pangalan niya kundi ang ninang niya. 'Bartolome' naman ang gustong ipangalan sa kanya ng kanyang tatay na si Piolo Pascual, if ever natuloy 'yun Bart ang nickname niya. Madami din siyang nicknames - Nyonyo, Puge, Dom, Nic.

 

2. Allergic si Inigo sa spicy food. No scientific basis pero feeling niya kahit naamoy pa lang niya, pinagpapawisan na siya. Still, kumakain pa rin naman siya ng maaanghang kahit nangangati ang ulo niya. 

 

3. He used to play Taekwondo. Bata pa lang daw eto na ang sport niya at nagka-Junior Black Belt pa siya. Nakapagcompete din siya dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. 

 

4. Dahil kilalang K-Pop fan din si Inigo, memorize niya lang naman ang choreography ng 'Kill This Love' ng Blackpink.

 

5. Meron siyang weird collection ng caps. Ralph Lauren o RL hats ang collection ni Inigo. Isang beses nawala daw ang kanyang favorite brown hat sa kanyang hotel, pero sa pagmamahal ng kanyang  mga supporters napalitan pa ito ng tatlo.

 

May pa-bonus din siyang trick kasi kaya niyang baliin ang kanyang thumb. 



"> 

Pero sa lahat ng ito, may isa pang dapat malaman ang mga fans niya sa kanya. Dahil sa katatapos niya lang na guesting sa New York, asahan na ang mga sunud-sunod na international projects para kay Inigo!