Provide top-notch talent wherever and whenever needed
Discover Cornerstone

OVER 100 PERSONALITIES ANG DUMATING SA I'M ELLENYA L. CELEBRITY SCREENING!

September 11, 2019

Successful at star-studded ang premiere night ng I'm Ellenya L. kagabi kung saan dinaluhan ito nang mahigit sa isang daang artista at personalidad. I'm Ellenya L ay isa sa mga official entry ngayong taon sa Pista ng Pelikulang Pilipino na pinagbibidahan nina Maris Racal, Inigo Pascual, Patrick Sugui, Nova Villa at Gio Alvarez sa direksyon ni Boy 2 Quizon.

Ilan sa mga bigating artistang spotted sa celebrity screening ay sina Angel Locsin, Paulo Avelino, Kit Thompson, Marco Gumabao, Bidaman, PBB Otso Housemates - Kiara, Gino, Ashley, Sky, Karina, Aljon, Criza, Wealand, Argel at Akie.

Dahil super relatable nga daw ang pelikulang ito sa mga kabataan ngayon, present din ang ilan sa mga kilalang vloggers sa Pilipinas gaya nina Riva Quenery, Thats Bella, Agassi Ching at ang MNL 48.

Ipapalabas na ito ngayong September 13-19, 2019 sa mahigit 130 cinemas nationwide.