Provide top-notch talent wherever and whenever needed
Discover Cornerstone

NEW GEN OF CHAMPIONS, PINAKILALA SA ASAP NATIN 'TO

September 03, 2019

The new breeds of champions are now ready to take the ASAP stage every Sunday -  Kamakailan ay ipinakilala na ang tatlong bagong mukha ng ASAP Pinoy Champs na sina Janine Berdin, Ehla Nympa at ang first Idol Philippines Grand Winner na si Zephanie Dimaranan.

Hinangaan ang tatlo sa unang dalawang linggo ng kanilang pagtatanghal sa ASAP Stage kasabay nito ay bumuhos din sa ang suporta ng kani kanilang fans sa iba't ibang social media platform tulad Twitter.

I like this new trio of female winners ng ASAP. Ella, Janine, Zephanie. Pwede sila girl version ng TNT tapos related sa winner or champion yung name.

— MAMAMOOinManila #Soar (@JasMooOnce) September 1, 2019


Paka-abangan pa ang mas maiinit pa nilang mga tapatan sa mga darating na linggo.


Pormal ding na-welcome si Zephanie sa ASAP noong nakaraang Linggo bilang bagong Kapamilya matapos tanghalin bilang kauna-unahang Idol Philippines Grand Winner.


Kasabay ng paghahanda ng tatlo para sa mga susunod pa nilang mga performance ay handang handang na rin ang isa sa mga miyembro ng ASAP New Gen of Champs at First Ever Idol Philippines Grand Winner na si Zephanie Dimaranan sa paparating na Concert ni Moira na “Braver”sa Araneta Coliseum ngayong paparating na Biyernes September 13, 2019.