Provide top-notch talent wherever and whenever needed
Discover Cornerstone

MYLENE DIZON, NAGPASALAMAT NA SI KIT THOMPSON ANG KAPARTNER SA PELIKULA

August 01, 2019

Isa sa mga official entry sa Cinemalaya 2019 ang Belle Douleur (Beautiful Pain) na pinagbibidahan nina Mylene Dizon at Kit Thompson.

 

At sa kanilang media launch na ginanap noong August 1, 2019, sinagot nila ang mga tanong ng press na talaga naman lalong nagbigay ng excitement sa mga manunuod ng pelikulang ito.


 

Sa tanong kay Kit kung paano si Mylene bilang ka-eksena lalo na sa mga intense scenes,, "It's a hot scene you know, maalaga siya at the same time, experimental din, may one scene kami dun na long take at kung saan-saan pa sa bahay, naguusap kami kung ano mga dapat gawin, step by step we are figuring it out."

 

Natanong din si Mylene, kung yummy ba si Kit at how do you rate him, ang kanyang sagot, 9. Paliwanag niya, "Hindi niya daw kasi pwede i-perfect 10 dahil ang asawa niya lang ang 10 pagdating doon."


 


Bukod dito, napa-Thank God naman si Mylene na si Kit Thompson ang napiling makasama niya sa pelikulang ito. Ito ang kanilang kauna-unahang pagsasama sa isang proyekto. Ito ay sa direksyon ni Atty. Joji Alonzo na unang beses ding sumali sa Cinemalaya 2019.

 

Magbubukas ang Cinemalaya ngayong August 3 at matatapos sa August 13.