Provide top-notch talent wherever and whenever needed
Discover Cornerstone

MOIRA, MAY MAKAKASAMANG MAGPAIYAK SA UPCOMING ALBUM!

May 16, 2019

Bago pa man humakot ng awards sa MYX Music Awards 2019 si Moira dela Torre, umagaw ng pansin ang kanyang tweet kung saan nakalagay na, “more pabebe and electric fan “songs coming your way and there’s nothing you can do to stop it”.


Marami tuloy ang nagtanong kung ano ang ibig sabihin ng post niyang ito. Ilan kasi ito sa mga negative comments na ibinabato sa kanya ng mga netizens. Kaya sa tweet niyang ito, makikita kung paano niya ito matapang na tinanggap at ginamit na inspirasyon para mas pagbutihan pa ang kanyang trabaho.



At  nitong nakaraang linggo lang, ipinarinig  na ni Moira ang ilan sa mga bago niyang kantang dapat abangan ngayong taon sa isang private listening session kasama ang Star Music at Cornerstone Entertainment na ginamitan pa ng caption na Braver 2019.

Mas matapang na Moira ang dapat nilang tutukan ngayong 2019 dahil siguradong magpapaiyak na naman siya sa mga kantang tagos sa puso. Ibang klaseng collaboration din ang dapat abangan sa kanyang bagong album dahil makakasama niya dito ang I Belong To The Zoo na nakilala sa mga hits na 'Sana' at 'Balang Araw'.  Dagdag pa ni Moira, sequel ang bagong album na ito sa nauna niyang album na, 'Malaya'.


Bukod sa kanyang parating na album at concert, mapapanuod si Moira sa Idol Philippines bilang judge kasama sina James Reid, Vice Ganda at Regine Velasquez.