Provide top-notch talent wherever and whenever needed
Discover Cornerstone

MOIRA, 'DI INURUNGAN ANG HAMON NI VICE GANDA

August 28, 2019

Sa kanyang guesting sa Gandang Gabi Vice, tinanggap ni Moira Dela Torre ang naging hamon sa kanya ni Vice Ganda kung saan kailangan niyang kumanta ng 'Banal na Aso, Santong Kabayo'  habang tumatakbo sa treadmill.


Pinatunayan ni Moira na wala siyang uurungan pagdating sa kantahan, kaya naging madali ang challenge na ito para sa kanya.


Nakapagduet din siya sa isang viral kid singer na si Joemel na super fan nga daw ni Moira. Nagpa-sample din siya sa mga dapat abangan sa kanyang papalapit na concert, kasama ang kanyang asawa na si Jason Marvin, kinanta nila ang 'SELFISH', isang collaboration song with the musical director of Justin Bieber.


Nainterview din siya ni Korina Sanchez sa isang exclusive tell-all sa Rated K kung saan ikunwento niya ang kanyang mga pinagdaanan at kung paano niya hinarap ang bashing lalo na nung naging judge siya sa Idol Philippines.

Sa kabila ng lahat ng ito, mas tumibay at tumatag si Moira. Kaya naman kasabay nito ay naghahanda na siya sa nalalapit niyang concert sa Araneta. For the first time kasi, her first solo concert at the big dome ay mangyayari na.

Braver - Moira at the SMART Araneta Coliseum

September 13, 2019 - 8 PM