Provide top-notch talent wherever and whenever needed
Discover Cornerstone

LORIN GUTIERREZ, IPINASILIP ANG KANYANG BIRTHDAY CELEBRATION

September 08, 2019

Star-studded ang birthday celebration ni Lorin Gutierrez, ang panganay na anak ni Ruffa Gutierrez noong nakaraang Linggo sa Makati. Dinaluhan ito ng mga malalaking pangalan sa industriya at mga kaibigan niya.

Sa kanyang vlog, pinasilip niya ang theme at set-up ng kanyang 16th birthday. Ilan sa mga kilalang personalidad na nagpunta ay sina Chavit Singson, mag-asawang Richard at Lucy Torres-Gomez, Mariel Padilla, Julia Barretto at Kyle Echarri. Nagbigay din ng birthday message ang mga malalapit na tao sa buhay niya.