Provide top-notch talent wherever and whenever needed
Discover Cornerstone

KYLE, BUMISITA SA SET NG THE VOICE KIDS!

August 12, 2019

Kasabay ng pagbabalik ng The Voice Kids, nag-umpisa na din ang paghahanap ng mga bagong kabataang boses ang punuhan. Ilan sa mga naging successful alumni ng TVK ay sina Darren Espanto, Elha Nympha, Lyca Gairanod, JK Labajo, first-ever Idol Philippines Grand Winner Zephanie Dimaranana at The Gold Squad Member , Kyle Echarri.


At nitong nakaraang Linggo, surpresang binisita ni Kyle Echarri ang kanyang dating coach na si Sarah Geronimo. Ito ay kasabay ng pangungumbinse ng mga coaches sa isang contestant na si Angel from Antipolo.

"Coach Sarah really teaches you hindi lang sa pagkanta pati sa real life, Coach Sarah has help me through so much, she helps me keep my feet on the ground always and I hope you can join our team", paliwanag ni Kyle.


Hindi rin pinalampas ang pagkakataon na magsample si Kyle sa harap ng mga judges kung saan kinanta niya ang 'Ako'y Sayo at Ika'y Akin Lamang'. At dahil mukhang naging effective ang convincing power ni Kyle at Coach Sarah, pinili ni Angel na maging parte ng Team Sarah matapos ang kanyang three-chair turn performance na 'Sino Ang Baliw?'.