Provide top-notch talent wherever and whenever needed
Discover Cornerstone

KYCINE, BIBIDA SA IWANT MOVIE NA 'SILLY RED SHOES"

August 30, 2019

QUEZON CITY - Good news para sa lahat ng mga taga-subaybay ng The Gold Squad dahil in-announce na sa story conference ng iWant at Dreamscape Entertainment ang pinakabago nilang project na " Silly Red Shoes" at " Wild Little Love" kung saan magkahiwalay na bibida ang dalawang love team.


Makakasama nina Kyle Echarri at Francine Diaz para sa "Silly Red Shoes" si former Mayor Herbert Bautista na ididirek naman ng award-winning director na si James Mayo.

Matatandaan na si James Mayo ang direktor ng Kuya Wes na nakasama sa Cinemalaya 2018 at naipalabas sa mga sinehan ngayong taon.


Samantala, makakasama naman nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin para sa "Wild Little Love" sina Carmina Villaroel, Alfred Vargas, Criza Taa at Ultimate Bida Man Jin Macapagal.


Wala pang kumpletong detalye na binigay tungkol sa pelikulang ito. Pero asahan na ipapalabas ito ngayong November.