Provide top-notch talent wherever and whenever needed
Discover Cornerstone

KIT THOMPSON, THE NEXT BIG LEADING MAN!

May 16, 2019
Nakilala bilang Kid Tangkad ng Pampanga nang sumali sa PBB Teen Edition 4 si Kit Thompson at pagkalabas niya ng Bahay ni Kuya ay nabigyan din naman siya ng ilang acting projects pero mas minabuti niyang bumalik ng Amerika para mag-aral.
At sa kanyang pagbabalik-bansa dito sa Pilipinas, isinabak agad siya sa iba’t ibang shows ng ABS-CBN gaya ng Maalaala Mo Kaya at Ipaglaban Mo at ngayon,  isang malaking project ang ibinigay sa kanya kung saan talagang masusubukan ang kanyang galing sa pag-arte, ang Sino ang May Sala? Mea Culpa mula sa Dreamscape Entertainment Inc.



Buo ang loob niya na ibang Kit Thompson ang makikita nila sa teleseryeng ito, mas palaban at game sa lahat ng eksena.                         
At sa special screening nga ng Sino Ang May Sala last week, pinakita ang ilan sa mga scenes na hindi ipapalabas sa national tv. Dito ilang maiinit na eksena ang talaga namang nagbigay ng excitement sa ilan dahil game na game si Greco, ang role na ginagampanan ni Kit, sa intimate scenes kasama si Lolita (Ivana Alawi) at may pa-butt exposure pa.

“Kapag kailangan po sa eksena, game ako tsaka malaki din po ang tiwala ko kay Direk Dan Villegas”, paliwanag ni Kit. Idinagdag pa niya, hindi naman daw puro mga daring roles ang mga tatanggapin niya.
              
Pero bukod nga sa Sino Ang May Sala, isang mapusok at kakaibang pagganap din ang makikita sa kanyang Cinemalaya 2019 entry na Belle Douleaur kasama si Mylene Dizon na mala- May December love affair ang kwento. Ito ay sa direksyon ni Atty. Joji Alonso at ipapalabas na ngayong August.
Maituturing na ngang The Next Big Leading Man itong si Kit Thompson. Bukod kasi sa pagiging game nito sa lahat ng mga roles na binibigay sa kanya ay hindi matatawaran ang dedikasyon niya sa pag-arte. Kaya naman madami na ang naka line-up na mga upcoming shows kay Kit. Kasabay ng Sino Ang May Sala at Belle Douleaur, isang kakaibang iWant special din ang pagbibidahan ni Kit, ang Momol Night. Isa ding pelikula under ng Spring Films ang niluluto na mapabilang siya.
At sa lahat ng natatanggap na blessings ni Kit ngayon ay hindi ito nakakalimot magpasalamat sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya.