Provide top-notch talent wherever and whenever needed
Discover Cornerstone

I KISSED A K-POP STAR AND I . . . - SUE RAMIREZ

May 30, 2019

Ready na nga daw si Sue Ramirez na ilevel-up ang kanyang acting career, open siya sa iba't ibang projects na inooffer sa kanya at nitong presscon lang ng kanyang bagong pelikula under Spring Films na 'Sunshine Family' kung saan makakasama niya sina Marco Masa at ang real life couple na sina Nonie at Shamaine Buencamino, game na game niyang ishinare ang ilang eksenang dapat abangan dito.



For the first time, isang K-Pop star at member ng Blanc 7 na si Shinwoo ang magiging loveteam ni Sue sa film na ito. Inireveal niya rin na may kissing scene siya with the K-Pop star at nag-record pa sila ng kanta bilang official soundtrack ng pelikula. Kabado noong una pero madali naman daw siya naka-ride on sa mga eksena lalo na at sa South Korea kinuhanan ang buong pelikula. Matatandaan din na siya ang napiling Honorary Ambassador ng Korea Tourism Organization noong 2016 kaya naman happy at super enjoy ang young actress sa paggawa pelikulang ito.



Ito din ang kauna-unahang pagkakataon na magsasama sa isang pelikula bilang mag-asawa sina Shamaine at Nonie Buencamino.


 

Ang Sunshine Family ay kwento ng isang pamilyang pinoy na nakatira sa South Korea ng limang taon at nagdesisyon nang umuwi sa Pilipinas ngunit dahil sa isang aksidente, na-delay ito at dito na umikot ang story kung paano pinagtibay ng pagsubok ang kanilang pamilya.


">

Mapapanuod na ang Sunshine Family ngayong June 5 sa direksyon ng isang kilalang Korean director na si Kim Tai Sik.