Provide top-notch talent wherever and whenever needed
Discover Cornerstone

EMPOY, IIWAN NA NGA BA ANG PAGPAPATAWA?

June 14, 2019

From heavy acting episode sa MMK bilang isang Tatay Taho vendor, ngayon naman pinasok na din ni Empoy ang longest-running action drama serye na Ang Probinsyano. Marami tuloy ang nagtatanong, iiwan na nga ba ng Pambansang Pogi o kilala din sa bansag na The Millenial Leading Man na si Empoy ang pagpapatawa?

 


 

Last May, panibagong blessing ang natanggap ng Kapamilya actor at comedian na si Empoy matapos siyang mapabilang sa cast ng Ang Probinsyano. Ginagampanan niya ang role ni Domengsu, isang probinsyanong nakipagsapalaran sa Maynila pero dahil sa aberya ng napasukan niyang trabaho kung saan naka-eksena niya si Coco Martin, napasama siya sa kanilang samahan at dito na nag-umpisa ang panibagong kabanata para sa karakter ni Domengsu.

 


 

Para kay Empoy, masayang masaya nga daw siya ang mapasali sa teleserye na ito lalo na at marami ang gustong mapabilang dito. Ito din kasi ang unang pagkakataon na makakatrabaho niya si Coco Martin sa isang serye. "Sobrang dedicated niya sa work, on and off-cam" dagdag pa ni Empoy. 

 


 

Pero sa tanong na iiwan na nga ba niya ang pagpapatawa, heto ang kanyang naging sagot, "Alam niyo ang comedy, action at drama, lahat ng iyan ay stepping stone ko lang, nude actor talaga ang gusto ko. Kidding aside, hindi ko siyempre iiwan ang pagpapatawa, diyan kasi ako nakilala."

 

Sa ngayon, naging parte na ng pamilya ni Cardo Dalisay si Domengsu at marami pa daw kayong maiinit na eksena na dapat abangan.