Provide top-notch talent wherever and whenever needed
Discover Cornerstone

ANGELINE AT K BROSAS, HANDA NG MAGPASABOG SA ARANETA!

June 06, 2019

Expect the unexpected! Magsasama sa unang pagkakataon ang dalawang reyna ng entablado, Queen Of Teleserye Themesongs Angeline Quinto at The Ultimate Entertainer K Brosas sa Araneta ngayong July 12, 2019.


 

Sa halos 8 taon ni Angeline sa industriya, marami ng tumatak na kanta niya ang naging malapit sa puso ng mga Pilipino. Ilan nga sa mga naging pambansang themesong ng karamihan angPatuloy ang PangarapKunin mo na ang lahat sa akin at Till I Met You

 

At nitong May, naging katuparan si Angeline Quinto sa pagtupad ng pangarap ng isang lola. Matapos ma-feature sa Rated K ang kwento ni Lola Fe, isang composer, kinanta niya ang komposisyon nito na 'Maraming Salamat, Mahal'. Inirecord niya ito kasama ang Star Music at nagkaroon pa ng digital release last week. Wala pang isang linggo, napili din itong themesong sa teleseryeng, Nang Ngumiti Ang Langit.

 

Matapos maging successful ang 18K Anniversary concert ni K Brosas last year, mas lalo pang hinangaan at kinagiliwan ng marami Si K. Kasama natin siyang gumigising ng maaga para sa Umagang Kay Ganda at binubusog tayo tuwing tanghali sa kanyang mga banat bilang hurado sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime. Bukod pa dito, excited din niyang ipinasilip ang construction ng kanyang dream house sa kanyang mga supporters. 

 

Kaya naman ngayong July, ihanda na ang mga sarili para sa pinaka-kwelang concert ng taon. Hatid sa inyo ng Cornerstone concerts, Angeline K 'To Concert Namin 'To! Isang gabing punung-puno ng kantahan at tawanan. Level-up na performance at biritan to the max ang ilan sa mga dapat tutukan. 


At sa kanilang grand presscon nitong June 4, nagpa-sample sina Angeline at K ng dapat abangan sa kanilang concert. Kasama ang kanilang direktor na si John Prats, sinagot nila ang mga tanong ng mga press at pinuno ng halakhak ang venue. ' Kakaibang pagsasama ito, ang daming pasabog ng concert na 'to kaya dapat manuod kayo' - Angeline Quinto




Pinangalanan din ang ilan sa mga magiging guests sa concert na ito gaya nina Ogie Alcasid, Erik Santos at Empoy. At meron pang mga special guests na talaga namang kaabang-abang!


Kung ang Araneta handa na, ikaw ba? Kantawanan na!